life of an urban amazon

May 20, 2007

Paalam sa mga alamat…

Filed under: kung anu-ano — maohermitanio @ 5:06 am

Nitong weekend, nalungkot ako sa balitang yumao na si Kuya Cesar at si Yoyoy Villame.

Minsan, kung sino pa yung mga nakapagpapasaya sa mga tao, yun pa ang maagang nawawala. Samantalang yung napakaraming mga perwisyo at wala namang silbi sa nakakarami, sila pa yung nandyan at nakaupo pa sa pwesto.

Yung iba hindi na siguro kilala sina Kuya Cesar at Yoyoy, pero para sa akin, maituturing silang mga alamat ng kulturang Pinoy.

Kinikilala at beteranong broadcaster si Kuya Cesar. Hindi naman daw talaga siya mabagal magsalita. Sadyang dun na siya nakikilala at nagustuhan ng mga tagapakinig sa kakabiang istilo niya ng mabagal na pagsasalita. Pinapakinggan ko siya noon sa AM radio. Dati nakakainis, pero sa totoo, nakakaaliw naman pala.

Si Yoyoy naman, nakilalang King of Pinoy Novelty Songs. Circa 80’s din siya sumikat. Para ngang version ng nursery ryhmes ang mga kanta nya (Mag-exercise tayo tuwing umaga, Butchikik, Si Felimon, Tarzan at Barok, atbp.) Pero lagi ko syang naaalala tuwing nakikita ko si Ka Roda ng PISTON, medyo may hawig kasi sila. Sa mga gustong mapakinggan ang mga kanta ni Yoyoy, pumunta dito.

Kay Kuya Cesar at Yoyoy Villam paalam at maraming salamat sa inyo.

No Comments Yet »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

You must be logged in to post a comment.

Blog at WordPress.com.