life of an urban amazon

May 20, 2007

Emo-politics (Mga kwentong tsismis, krisis at tiis*)

Filed under: old stuff,pulitika — maohermitanio @ 4:35 pm

Hinukay ko pa mula sa lumang-luma kong motime blog

Wednesday, 17 August 2005

Emo-politics (Mga kwentong tsismis, krisis at tiis*)

Haling na haling ang mga kabataan pati na ang mga batang isip sa mga musikang emo o ang makabago (o mas angkop na ni-recycle) na genre ng mga kanta ngayon na tunog banda pero tumatalakay sa temang malulungkot, puno ng panghihinayang at kawalang pag-asa at di-maubos-ubos na angas sa buhay. 

Sa biglang rinig, parang hindi korni ang tema ng kanta na nagpapahayag ng wagas na pag-ibig dahil sa malalakas na percussions at halos pasigaw na pagkanta ng mga bokalista gaya ng kanta ng mga lokal na bandang Hale, Sugarfree, Stonefree, Mayonnaise, Cueshe na paulit-ulit pinatutugtog sa mga FM radio ngayon. Kung foriegn trash pop/emo nariyan ang Simple Plan, si Avril Lavigne at iba pa.

Kung may emo sa musika, mas matindi ang emo sa pulitika. Emo o emote na pulitika ang patok ngayon.

Sino ba naman ang makakalimot sa klasikong ‘I am Sorry’ na litanya ni Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang pag-amin na nagkaroon siya ng ‘lapse in judgement’ nang tawagan niya ang isang COMELEC official na hanggang ngayon ay missing in action pa rin. (Hello, Garci, ikaw ba yan?).

Dalawang linggong pinaghandaan ni Gloria ang public address niyang ‘yon. Si Lupita Kahashiwara pa ang nag-direk. Halos mabanat ang mukha ni Ate Glo sa pagpipilit na magmukhang sinsero. Sadyang pinalamlam pa niya ang kanyang mga mata. Aakalain mong magdamang siyang umiyak sa mugto niyang mata.

Pero kahit ano pa ang akting at emote ni Gloria, itsura pa ring plastik ang paghingi niya ng paumanhin. ”Sorry, sorry, Mag resign ka lang! (*&^#@_)!+)(*&^ ka!”

Ilang araw pagkatapos, lumantad sa nagpipiyestang media si Inday Susan Roces, ang balo ng yumaong aktor at presidential candidate na si Fernando Poe. Jr. Sabi ni Swanie, ang kanyang apo raw ang nakakumbinsi sa kanyang magsalita na.

True to her form, pang best actress talaga ang speech ni Susan. Kumbaga sa pelikula, box-office hit. Sabihin ba naman niyang ”Kapatid ng sinungaling ang magnanakaw!” at “Shame on Mrs. Arroyo, you stole the presidency, not once, but twice!” O diba, bongga! 

Fast forward. Sumunod na sa mga pangyayaring ‘yan ang mga madamdaming rali at protesta sa Ayala, Plaza Miranda, Mendiola at pinakahuli at pinakamalaki noong SONA. Mula noong People Power 2, noong SONA lang ako nakakita ng ganun kadaming tao sa rali.

Iba-ibang emosyon ang nakita at naramdaman ko sa bawat protestang nananawagang ng “Gloria Resign.” Mga totoong damdamin ng galit, lungkot, desperasyon, gutom, pagod, puyat, agitation, saya, excitement at marami pang iba pa.

Kasi naman, hindi nakakatuwa at talagang masama ang timpla ng taumbayan kapag kumakalam ang tiyan. Walang nakakaaliw sa isang gobyernong bulok at walang ginagawa kundi pahirapan ang taumbayan.

May mga pakiramdam ding nakakainis at nakakapagngitngit. Sukat ba namang ang isang Dinky Soliman na dating sanggang-dikit ni Ate Glo sa Powerpuff girls ng Malakanyang, nakita ko minsan sa TV at  ibinubuhos ang kanyang ’konsensya’. Di na raw niya matiis na kimkimin ang kanyang mga nalalaman. Talagang umiyak pa si Dinky, ni hindi nga niya pinahid ang umaagos niyang luha at sipon para mas kapani-paniwala talaga. Tama ba namang pabayaang tumulo ang uhog live on national television? Hindi talaga siya kinaya ng powers ko.

Before Dinky, Luli also poured her heart out sa mga bumaligtad na kasamahan ng nanay niya. Wala naman daw kasalanan ang nanay niya at puro pagsasakripisyo na lang ang ginawa nilang mag-anak mula nang maging Presidente ang nanay niya. Talagang, nalungkot siya nang umalis ang kanyang Daddy Mike papuntang US para mapahupa ang galit ng taumbayan sa Unang Pamilya.

“Hello, Earth to Luli?!” Nasan ang sakripisyo kung bilyon-bilyon naman ang nakukuha ng pamilyang Arroyo sa jueteng payola at marami pang ilegal na aktibidad.

Bago ko makalimutan, syempre hindi nagpatalo si Tita Cory. Umeksena at nag-emote rin siya. July 2 nang sabihin niyang ”I am too old for People Power..” Nagpa-photo-ops pa sila ni Ate Glo na magkatabing nagdadasal sa Simbahan. Dyuskuday, July 8 pinag-reresign na ni Tita Cory si Gloria at sinabi pang “concede the presidency to your constitutional successor..”Akala ba nila ganun kadali nilang maipupuwesto si Noli De Castro? Talaga naman ang mga ipokrito.

Sana rin may political will si Cory noh! na harapin ang pamilya ng mga magsasakang nakawelga pa rin hanggang ngayon sa Hacienda Luisita.  

Maraming pang kwentong emo ang napanood at narinig ko nitong mga nagdaang mga linggo.

Nagsigawan ni Atty. Frank Chavez at Sen. Teddy Boy Locsin sa isang hearing ng jueteng payola sa Senado. Nawala ng isang araw at isang gabi ang anak ni Sandra Cam. Nawawala rin daw hanggang ngayon ang anak ng lalaking nag-akusa ng sexual harassment kay Bishop Oscar Cruz. Nagpa-interview si Richard Garcia at nagsorry kay Gloria dahil inutusan lang daw siya ng oposisyon na idawit ang Unang Pamilya sa jueteng. Omigosh, grabe, before i forget! Nalusaw ang mascara ni Kris Aquino nang umiyak siya sa harap ng telebisyon (for the nth time, pffft!) para batikusin ang patutsada ni Justice Secretary Raul Gonzales sa kanilang mag-ina. Na mas mabuti pa raw bantayan na lang ni Cory ang ‘pagwawala’ ni Kris kesa makialam sa pulitika ang balo ni Ninoy.

Sadyang puno ng sari-saring emosyon ang pulitika. Mas showbiz pa sa totoong showbiz.

Syempre may mga eksena ring nakakakilig. Lalo na kapag nakikita ko si Chiz Escudero.

Medyo stretched nga lang kung minsan dahil paggising ko sa umaga, maririnig ko sya sa radyo. Sa buong maghapon, may mga interview pa siya sa TV. Hanggang sa primetime at late nite news, nandoon pa rin siya at iniinterbyu sa pusisyon ng oposisyon.

Articulate, sensible at sharp siya, monotone nga lang kung magsalita minsan. Kung meron man akong ikinatutuwa sa oposisyon, isa na siya rito. Ngayon lang ako nakakita at nagkacrush sa isang dashing and debonaire trapo. Syet, i’m so juvenile. :)

*Pasintabi sa Del Monte Tomato Sauce.

 

 

I’m a claire bennet (Heroes Personality Test)

Filed under: kung anu-ano,pop — maohermitanio @ 9:33 am

You scored 37 Idealism, 25 Nonconformity, 33 Nerdiness


I walked through fire and I didn’t get burned. Congratulations, you’re Claire Bennet! You are a sweet person who wants to be accepted and fit in. However, you’re learning to embrace the side of yourself that’s special and unique and are becoming a much stronger person for it. Keep it up, and you might be indestructible. ;) Your best quality: Sweetness Your worst quality: A fear of being different My test tracked 3 variables How you compared to other people your age and gender:

   
You scored higher than 27% on Idealism
free online dating free online dating
You scored higher than 17% on Nonconformity
free online dating free online dating
You scored higher than 41% on Nerdiness

Paalam sa mga alamat…

Filed under: kung anu-ano — maohermitanio @ 5:06 am

Nitong weekend, nalungkot ako sa balitang yumao na si Kuya Cesar at si Yoyoy Villame.

Minsan, kung sino pa yung mga nakapagpapasaya sa mga tao, yun pa ang maagang nawawala. Samantalang yung napakaraming mga perwisyo at wala namang silbi sa nakakarami, sila pa yung nandyan at nakaupo pa sa pwesto.

Yung iba hindi na siguro kilala sina Kuya Cesar at Yoyoy, pero para sa akin, maituturing silang mga alamat ng kulturang Pinoy.

Kinikilala at beteranong broadcaster si Kuya Cesar. Hindi naman daw talaga siya mabagal magsalita. Sadyang dun na siya nakikilala at nagustuhan ng mga tagapakinig sa kakabiang istilo niya ng mabagal na pagsasalita. Pinapakinggan ko siya noon sa AM radio. Dati nakakainis, pero sa totoo, nakakaaliw naman pala.

Si Yoyoy naman, nakilalang King of Pinoy Novelty Songs. Circa 80′s din siya sumikat. Para ngang version ng nursery ryhmes ang mga kanta nya (Mag-exercise tayo tuwing umaga, Butchikik, Si Felimon, Tarzan at Barok, atbp.) Pero lagi ko syang naaalala tuwing nakikita ko si Ka Roda ng PISTON, medyo may hawig kasi sila. Sa mga gustong mapakinggan ang mga kanta ni Yoyoy, pumunta dito.

Kay Kuya Cesar at Yoyoy Villam paalam at maraming salamat sa inyo.

Mag-ingat sa mga balasubas na kandidato

Filed under: pulitika — maohermitanio @ 4:29 am

Dahil sa holdap experience ko at sa tindi ng pangangailangan, sinubukan kong mag pollwatch noong eleksyon. Pagkatapos kong bumoto, isinama ako ng isang katrabaho sa District 2 ng Quezon City sa Area 11 ng kandidatong si Jun Simon. Dating Mayor ng QC si Simon at tumakbo siya bilang Kongresman sa ilalim ng tiket ng Genuine Opposition. Nakalaban niya sina Annie Susano, Dante Liban at Chuck Mathay, na sinuportahan ng administrasyon.

Assistant Polling Precint Coordinator ang trabaho noong May 14. Trabaho ng APPC na tiyakin na may pagkain, tubig at gamit ang mga pollwatchers. Kailangan rin namin siguraduhin na makukuha ang election returns at initial reports para sa pag-tally ng boto.

In short, napagod, napuyat at nagutom kami (kasama ang iba pang coordinators at pollwatchers) sa maghapon at magdamag na pagbabantay at pagbibilang ng boto pero hanggang ngayon, hindi pa kami binabayaran ng kandidato.

Talo si Simon. At wala nang balak magbayad sa mga watcher niya. Ang alibi niya, mga volunteers lang daw kami at hindi siya nangako ng bayad.

Meron ba namang watcher na papayag magpagod at magpuyat para sa wala. Mabuti na lang nga at may pumayag pang mag watcher para sa kanya? Wala.

Kaya ang isa pang aral na natutunan ko sa kakaibang karanasan bilang poll watcher – mag-ingat sa mga balasubas na kandidato. Marami sila at nakaupo sa pwesto.

 

I’m back… with a vengeance

Filed under: buhay — maohermitanio @ 4:13 am

Ok, I’m guilty of not posting for the past two weeks. But I have a valid reason.

Naholdap ako last May 5 near Katipunan area. It’s good that I can discuss the near tragic incident I’ve been through that night without cringing at the memory.

The first few days and nights after the incident, I can’t sleep and think well. True, I’ve lost a good lot of cash and other important stuff and information (IDs, personal documents etc), my beloved and well-used Palm TX, my old and failing mobile phone and loads of kikay stuff. Those can be replaced, but the experience is way too tragic to forget easily.

Sometimes I don’t even want to pass through the area or I take other routes to and from the office so I won’t see the spot kung saan ako naholdap. Hay.

It’s good that I’m alive and in one piece, and I thank my friends and colleagues who showed concern and support.

Lesson learned – I won’t ever dare to walk on a roadside again.

 

May 2, 2007

A Victorious Day

Filed under: Uncategorized — maohermitanio @ 7:20 am

Good thing nature cooperated at the Labor Day Rally in Liwasang Bonifacio.  The weather was not as hot as I expected. But it’s still scorching hot I gulped down almost 5 liters water during the entire 4 hour program. Many children were dipping into the dirty central fountain. There were about 20,000 people who joined the rally and almost half were hidden under the shade and trees.

The program was fiery. I particularly liked the speech of Bayan Muna’s Ka Satur Ocampo. It’s his first big rally after his release. It’s good to see the old man smiling as he recounts his visit to Anakpawis’ Ka Bel who is still illegally detained at the Philippine Heart Center.

We were all expecting Ka Bel to personally deliver his speech before the crowd but the Court refused to grant his request to join the rally. Ka Joel Maglunsod’s speech was also eloquent, complete with data and facts.

The cultural presentations were also good in adding more spice to the program. The rendition of the song Daluyong by Sining Bugkos is also admirable.

The program lasted until past 5 pm. We were all so tired and hungry. I got so tired I decided stay behind and not join the march to Mendiola.

It’s not the best Labor Day Rally I’ve attended but still, it’s a victorious day for all of us, especially for workers.  

Theme: Rubric. Blog at WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.