Hinukay ko pa mula sa lumang-luma kong motime blog
Emo-politics (Mga kwentong tsismis, krisis at tiis*)
Haling na haling ang mga kabataan pati na ang mga batang isip sa mga musikang emo o ang makabago (o mas angkop na ni-recycle) na genre ng mga kanta ngayon na tunog banda pero tumatalakay sa temang malulungkot, puno ng panghihinayang at kawalang pag-asa at di-maubos-ubos na angas sa buhay.
Sa biglang rinig, parang hindi korni ang tema ng kanta na nagpapahayag ng wagas na pag-ibig dahil sa malalakas na percussions at halos pasigaw na pagkanta ng mga bokalista gaya ng kanta ng mga lokal na bandang Hale, Sugarfree, Stonefree, Mayonnaise, Cueshe na paulit-ulit pinatutugtog sa mga FM radio ngayon. Kung foriegn trash pop/emo nariyan ang Simple Plan, si Avril Lavigne at iba pa.
Kung may emo sa musika, mas matindi ang emo sa pulitika. Emo o emote na pulitika ang patok ngayon.
Sino ba naman ang makakalimot sa klasikong ‘I am Sorry’ na litanya ni Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang pag-amin na nagkaroon siya ng ‘lapse in judgement’ nang tawagan niya ang isang COMELEC official na hanggang ngayon ay missing in action pa rin. (Hello, Garci, ikaw ba yan?).
Dalawang linggong pinaghandaan ni Gloria ang public address niyang ‘yon. Si Lupita Kahashiwara pa ang nag-direk. Halos mabanat ang mukha ni Ate Glo sa pagpipilit na magmukhang sinsero. Sadyang pinalamlam pa niya ang kanyang mga mata. Aakalain mong magdamang siyang umiyak sa mugto niyang mata.
Pero kahit ano pa ang akting at emote ni Gloria, itsura pa ring plastik ang paghingi niya ng paumanhin. ”Sorry, sorry, Mag resign ka lang! (*&^#@_)!+)(*&^ ka!”
Ilang araw pagkatapos, lumantad sa nagpipiyestang media si Inday Susan Roces, ang balo ng yumaong aktor at presidential candidate na si Fernando Poe. Jr. Sabi ni Swanie, ang kanyang apo raw ang nakakumbinsi sa kanyang magsalita na.
True to her form, pang best actress talaga ang speech ni Susan. Kumbaga sa pelikula, box-office hit. Sabihin ba naman niyang ”Kapatid ng sinungaling ang magnanakaw!” at “Shame on Mrs. Arroyo, you stole the presidency, not once, but twice!” O diba, bongga!
Fast forward. Sumunod na sa mga pangyayaring ‘yan ang mga madamdaming rali at protesta sa Ayala, Plaza Miranda, Mendiola at pinakahuli at pinakamalaki noong SONA. Mula noong People Power 2, noong SONA lang ako nakakita ng ganun kadaming tao sa rali.
Iba-ibang emosyon ang nakita at naramdaman ko sa bawat protestang nananawagang ng “Gloria Resign.” Mga totoong damdamin ng galit, lungkot, desperasyon, gutom, pagod, puyat, agitation, saya, excitement at marami pang iba pa.
Kasi naman, hindi nakakatuwa at talagang masama ang timpla ng taumbayan kapag kumakalam ang tiyan. Walang nakakaaliw sa isang gobyernong bulok at walang ginagawa kundi pahirapan ang taumbayan.
May mga pakiramdam ding nakakainis at nakakapagngitngit. Sukat ba namang ang isang Dinky Soliman na dating sanggang-dikit ni Ate Glo sa Powerpuff girls ng Malakanyang, nakita ko minsan sa TV at ibinubuhos ang kanyang ’konsensya’. Di na raw niya matiis na kimkimin ang kanyang mga nalalaman. Talagang umiyak pa si Dinky, ni hindi nga niya pinahid ang umaagos niyang luha at sipon para mas kapani-paniwala talaga. Tama ba namang pabayaang tumulo ang uhog live on national television? Hindi talaga siya kinaya ng powers ko.
Before Dinky, Luli also poured her heart out sa mga bumaligtad na kasamahan ng nanay niya. Wala naman daw kasalanan ang nanay niya at puro pagsasakripisyo na lang ang ginawa nilang mag-anak mula nang maging Presidente ang nanay niya. Talagang, nalungkot siya nang umalis ang kanyang Daddy Mike papuntang US para mapahupa ang galit ng taumbayan sa Unang Pamilya.
“Hello, Earth to Luli?!” Nasan ang sakripisyo kung bilyon-bilyon naman ang nakukuha ng pamilyang Arroyo sa jueteng payola at marami pang ilegal na aktibidad.
Bago ko makalimutan, syempre hindi nagpatalo si Tita Cory. Umeksena at nag-emote rin siya. July 2 nang sabihin niyang ”I am too old for People Power..” Nagpa-photo-ops pa sila ni Ate Glo na magkatabing nagdadasal sa Simbahan. Dyuskuday, July 8 pinag-reresign na ni Tita Cory si Gloria at sinabi pang “concede the presidency to your constitutional successor..”Akala ba nila ganun kadali nilang maipupuwesto si Noli De Castro? Talaga naman ang mga ipokrito.
Sana rin may political will si Cory noh! na harapin ang pamilya ng mga magsasakang nakawelga pa rin hanggang ngayon sa Hacienda Luisita.
Maraming pang kwentong emo ang napanood at narinig ko nitong mga nagdaang mga linggo.
Nagsigawan ni Atty. Frank Chavez at Sen. Teddy Boy Locsin sa isang hearing ng jueteng payola sa Senado. Nawala ng isang araw at isang gabi ang anak ni Sandra Cam. Nawawala rin daw hanggang ngayon ang anak ng lalaking nag-akusa ng sexual harassment kay Bishop Oscar Cruz. Nagpa-interview si Richard Garcia at nagsorry kay Gloria dahil inutusan lang daw siya ng oposisyon na idawit ang Unang Pamilya sa jueteng. Omigosh, grabe, before i forget! Nalusaw ang mascara ni Kris Aquino nang umiyak siya sa harap ng telebisyon (for the nth time, pffft!) para batikusin ang patutsada ni Justice Secretary Raul Gonzales sa kanilang mag-ina. Na mas mabuti pa raw bantayan na lang ni Cory ang ‘pagwawala’ ni Kris kesa makialam sa pulitika ang balo ni Ninoy.
Sadyang puno ng sari-saring emosyon ang pulitika. Mas showbiz pa sa totoong showbiz.
Syempre may mga eksena ring nakakakilig. Lalo na kapag nakikita ko si Chiz Escudero.
Medyo stretched nga lang kung minsan dahil paggising ko sa umaga, maririnig ko sya sa radyo. Sa buong maghapon, may mga interview pa siya sa TV. Hanggang sa primetime at late nite news, nandoon pa rin siya at iniinterbyu sa pusisyon ng oposisyon.
Articulate, sensible at sharp siya, monotone nga lang kung magsalita minsan. Kung meron man akong ikinatutuwa sa oposisyon, isa na siya rito. Ngayon lang ako nakakita at nagkacrush sa isang dashing and debonaire trapo. Syet, i’m so juvenile.
*Pasintabi sa Del Monte Tomato Sauce.

Your best quality: Sweetness Your worst quality: A fear of being different 